Happy Mother's Day Nanay!
I love you higit pa sa alam niyo.
Maraming maraming salamat sa pagmamahal niyo sa akin, sa pag-aalala niyo sa akin, sa pagpapalaki niyo sa akin, sa pagpapalakas ng loob sa akin, sa pagtitiwala niyo sa akin, sa pagiging masaya sa mga bagay na ikinasasaya ko, at pagluha sa tuwing ako ay nasasaktan.
Ikaw ang unang nagmahal sa akin, at alam kong siyang patuloy na nagmamahal sa akin.
Miss na miss na tlaga kita.
Ang pagtwag mo ng Bunso sa akin.
Ang paggising ng maaga, at pagsama sa iyo sa palengke, dahil ako lang ang may tiyagang sumama sa inyo, at makipagsisikan sa mga tao, habang nakikita ko kung gaano kahirap na ikaw ay mag-isip na ihahanda para sa amin, para lamang kami ay masiyahan sa pagkain.
Namimiss ko ang iyong masasarap na luto, na hindi ko malasahan sa kahit pinakamamahaling restaurant dito sa Dubai. The best cook ka talaga nanay.
Miss na miss ko na rin ang iyong mababaw na luha, na lalong namana ko sa iyo, pagiging maramdamin, sa mga simpleng pag-aasar namin nila Tatay sau, at bandang huli ay lalambingin ka namin lahat.
Namimiss ko din ang paggagala natin sa SM, at lalo't higit, kung saan ka namin hahanapin pag nagkahiwa-hiwalay na tayo... 3 tindahan lang, alam na namin kung asan ka... Kung hindi sa mga TSINELAS, sa WALLET, o kaya sa BAG...yan lang ang mga simpleng kaligayahan mo, na sa tuwing uuwi na tayo galing sa pamimili, tutuksuhin ka namin, at sasabhin na namin, hmmmm.. si nanay, alam na namin binili niyan, tsinelas??? bag??? wallet???
Hay, napakasimpleng Nanay, ni hindi ko, nakitaan ng kayabangan sa katawan, napakadaling lapitan, may maamong puso, at malambot sa mga ngangailangan, na kahit ilang beses na siyang, hindi binayran, sige pa din sa pagtulong, pikit mata, kaya naman ang Diyos ang nagpapala sa kanya.
Isang Nanay na hindi kailanman naghinala, kundi buo ang pagtitiwala sa aming magkakapatid, kaya naman, sinuklian namin, ng pagtatapat at pagsasabi ng katotohanan. Maraming magulang ang di pumapayag sa mga anak, lalo na kung overnight, pero hindi si nanay, basta alam niya kung saan pupunta, kung sino sino ang mga kasama, sguro dahil buo ang tiwala niya sa aming magkakapatid.
Nay, ngayon, magiging Lolagets ka na, sana man lang, mapanamahan mo ako, ng husay mo sa pagpapalaki sa amin nila Ate at Dite, ng galing sa pagluluto, ng tiyaga sa pagtatrbaho, na hanggang sa ngayon ay walang tigil sa pananahi para lamang, may pandagdag sa gastusin at pagtitinda sa aming mini grocery. Sa iyong napakahusay na pakikisama sa mga kamag-anak, kaibigan, at kapitbahay, makuha naman iyon.
Ikaw ang aking tinitingala.! mahal na mahal kita Nanay ko!
HAPPY MOTHER'S DAY din sa aking INANG!
At sa lahat ng mga ina sa buong mundo, MALIGAYANG ARAW NG MGA INA! Mabuhay kayong lahat!
ay! napaiyak mo ako dito... :'(
ReplyDelete